Sa diwa ng bayanihan at pagmamalasakit ngayong Kapaskuhan, matagumpay na inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Bayambang ang 𝘜𝘬𝘢𝘺 𝘧𝘰𝘳 𝘢 𝘊𝘢𝘶𝘴𝘦 𝘠𝘦𝘢𝘳-𝘌𝘯𝘥 𝘚𝘱𝘦𝘤𝘪𝘢𝘭, isang dalawang-araw na aktibidad noong ika-12-13 ng Disyembre 2024 sa Balon Bayambang Events Center.
Ang proyekto ay inisyatibo mismo ni Mayor Niña Jose-Quiambao, kung saan ang mga opisyales at kawani ng LGU ay hinikayat magdonate ng mga pre-loved items na maaaring ibenta at pakinabangan ng iba, sa paglalayong makalikom ng pondo upang suportahan ang mga nangangailangan, kabilang ang posibleng pagtatayo ng isang tirahan para sa isang mapipiling benepisyaryo.
Binuksan ang programa sa pamamagitan ng isang ribbon-cutting ceremony na dinaluhan ng mga pangunahing opisyal ng bayan, kabilang si Vice-Mayor Ian Camille Sabangan at Councilor Benjie de Vera.
Pinagsama sa kaganapan ang live selling at on-site selling, na nagbigay ng mas malawak na pagkakataon para sa pangangalap ng pondo.
Malaking bahagi ng tagumpay ng proyektong ito ay dahil sa mga donasyong ipinagkaloob nina Mayor Niña Jose-Quiambao Quiambao at SATOM, Dr. Cezar T. Quiambao, na nagpakita ng kanilang suporta at pakikiisa sa layunin ng programa.
Ang 𝘜𝘬𝘢𝘺 𝘧𝘰𝘳 𝘢 𝘊𝘢𝘶𝘴𝘦 ay hindi lamang tungkol sa pangangalap ng pondo, kundi ito rin ay sumasalamin sa pagkakaisa at malasakit ng komunidad ng Bayambang.
Hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang bawat isa na patuloy na suportahan ang ganitong mga inisyatibo upang mas marami pang nangangailangan ang matulungan sa hinaharap. (𝘙𝘎𝘋𝘚/𝘙𝘚𝘖;)