Pinulong ni Mayor Nina Jose-Quiambao ang lahat ng agency, department, at unit heads ukol sa mahigpit na pagpapatupad ng Oplan Business Permit Sita upang siguruhing ang lahat ng negosyo sa Bayambang ay lehitimo, rehistrado, at kumpleto sa lahat ng required na papeles.
Tinalakay din ang gaganaping medical mission na hatid ni First Lady Liza Araneta-Marcos sa Julius K. Quiambao Medical & Wellness Center, Brgy. Pantol, at Brgy. Caturay sa darating na February 3, 4, at 6.
Ang pulong ay ginanap sa Mayor’s Conference Room noong January 20, 2025. (RSO; JMB)