Ginanap ang buwanang pagpupulong ng mga Punong Barangay, Sangguniang Kabataan Chairperson, at farmers’ association president noong Enero 13, 2025, sa Balon Bayambang Events Center, sa pangunguna ni Mayor Niรฑa Jose-Quiambao, kasama sina Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, Vice-Mayor Ian Camille Sabangan at Municipal Councilors, MLGOO Editha C. Soriano, mga hepe ng PNP at BFP, at mga pinuno ng iba’t ibang departamento.
Tinalakay sa naturang pulong ang mahahalagang isyu na kinakaharap ng mga naturang opisyal ng barangay, kabilang ang:
1. Ang krisis ng mga magsasaka ng Brgy. Manambong Sur sanhi ng pamiminsala ng mga harabas. Kasama na rito ang pagpapasa ng Planting Report ng mga nasalanta ng peste;
2. Ang pagpapasa ng Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ng mga barangay captains;
3. Ang pagpapasaayos ng mga lubak-lubak na kalsada sa iba pang barangay;
4. Mga hakbang para sa mas epektibong road clearing operations laban sa mga pasaway na vendor;
5. Ang pagbabayad ng buwis o amilyar;
6. Ang proseso ng pagkuha ng Business Permit at Mayorโs Clearance.
Sa open forum, malayang nakapagtanong at nakapagbigay ng suhestiyon ang mga nagsidalo, at ang mga ito ay personal na sinagot nina Mayor Jose-Quiambao, Atty. Vidad, at mga pinuno ng iba’t ibang ahensya at departamento.
Ang pagpupulong ay matagumpay na nagbigay-daan upang mapagtuunan ng pansin ang mga pangunahing suliranin at agarang maglatag ng mga solusyon para sa mas maayos na pamamahala sa bawat barangay. (RGDS/RSO; AG)
#TeamQuiambaoSabangan
#TotalQualityService
#Niรฑaarotaka