๐—™๐—ถ๐—ฟ๐˜€๐˜ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ฑ๐˜†, ๐—–๐—›๐—˜๐—— ๐—–๐—ต๐—ฎ๐—ถ๐—ฟ, ๐—ก๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜‚๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—š๐—ฟ๐—ผ๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—–๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ๐—บ๐—ผ๐—ป๐˜† ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—š๐˜‚๐˜€๐—ฎ๐—น๐—ถ ๐—ฎ๐˜ ๐—–๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐˜‚๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฃ๐—–

Isang makasaysayang araw para sa sektor ng edukasyon sa Bayambang ang naganap noong Pebrero 6, 2025, matapos ang groundbreaking ceremony para sa bagong gusali ng Bayambang Polytechnic College (BPC) sa Brgy. Bical Norte, Bayambang, Pangasinan.

Pinangunahan ni Dr. Rafael L. Saygo, Pangulo ng BPC, ang programa sa pamamagitan ng pagbibigay ng opening remarks, na sinundan ng mga espesyal na mensahe mula kay Dr. Cezar T. Quiambao, Tagapagtatag ng Bayambang Polytechnic College, at Dr. J. Prospero “Popoy” E. De Vera III, Tagapangulo ng Commission on Higher Education (CHED).

Naroon din ang Unang Ginang Louise Araneta-Marcos at anak na si William Vincent ‘Vinny’ Marcos bilang pagsuporta sa adhikain ng paaralan.

Kasunod nito ay ang groundbreaking ceremony, kung saan sama-samang isinagawa ng mga panauhing pandangal ang simbolikong paghuhukay gamit ang golden shovels bilang tanda ng pagsisimula ng konstruksyon ng bagong gusali.

Matatandaang ang BPC ay itinatag nina dating mayor, Dr. Cezar T. Quiambao, at Mayor Niรฑa Jose-Quiambao bilang katuparan ng kanilang adhikaing magbigay ng pantay na oportunidad sa lahat ng Bayambangueรฑo, lalo na sa mga mahihirap na mag-aaral na nagnanais makapagtapos ng kolehiyo.

Kasalukuyang nakabase ang BPC sa ikatlong palapag ng Royal Mall at ilang silid-aralan sa katapat na lumang Bayambang Central School campus. (RGDS/RSO; Rob Cayabyab)

#TeamQuiambaoSabangan

#TotalQualityService

#NiรฑaAroTaka