𝗖𝗛𝗘𝗗, 𝗡𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝗻𝗴 𝗧𝗘𝗦 𝗚𝗿𝗮𝗻𝘁𝘀 𝗮𝘁 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗹𝗮𝗿𝘀𝗵𝗶𝗽 𝗢𝗽𝗽𝗼𝗿𝘁𝘂𝗻𝗶𝘁𝗶𝗲𝘀 𝗕𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗿𝘁𝗲 𝗻𝗴 ‘𝗟𝗔𝗕 𝗳𝗼𝗿 𝗔𝗹𝗹’

Namahagi noong ika-6 ng Pebrero 2025, ang Commission on Higher Education (CHED) ng Tertiary Education Subsidy (TES) grants at iba pang scholarship opportunities bilang bahagi ng ‘LAB for All’ initiative ng Unang Ginang Louise Araneta-Marcos sa Pavilion 1 ng St. Vincent Ferrer Prayer Park.

Bukod dito, nagkaroon din ng scholarship campaign ang ahensya upang mas maipaalam sa maraming estudyante ang tungkol sa iba’t ibang programa ng CHED na naglalayong suportahan ang mga Pilipinong nangangarap ng mas mataas na edukasyon.

Dahil sa programang ito, maraming estudyante ang nabigyan ng bagong pag-asa upang maipagpatuloy ang kanilang pangarap na makatapos ng pag-aaral at magkaroon ng mas magandang kinabukasan. (KB/RSO; JMB)

#TeamQuiambaoSabangan

#TotalQualityService

#NiñaAroTaka