𝗔𝗽𝗽𝗼𝗶𝗻𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗕𝘂𝗱𝗴𝗲𝘁 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿, 𝗞𝗶𝗻𝘂𝗺𝗽𝗶𝗿𝗺𝗮 𝗻𝗴 𝗦𝗕

Kinumpirma ng Sangguniang Bayan ang appointment ni Ms. Christine Bautista bilang bagong Municipal Budget Officer, sa plenary session ng SB noong  January 13, 2025, sa pangunguna ni Vice-Mayor Ian Camille Sabangan.

Si Bautista ay 26 taong gulang lamang at isang Certified Public Accountant, ngunit ang kanyang academic record, work experience, at work ethic ay napatunayang karapat-dapat para sa naturang posisyon na may rangkong Municipal Government Department Head I (SG 24).

Ang kanyang appointment ay inendorso ni Mayor Niña Jose-Quiambao, patunay ng kanyang propesyunalismo, kakayahan, at galing sa trabaho.

Siya ay aprubado rin ng Personnel Selection Board matapos niyang maipasa ang lahat ng mga requirement at papeles.

Kanyang pinalitan ang posisyon ni dating Municipal Budget Officer Peter Caragan matapos itong magmandatory retirement sa LGU. (RSO; photos: SB)