Ngayong taon, ang mga student-journalist naman ng Saint Vincent’s Catholic School ang sumunod na naimbitahang media partner ng LGU-Bayambang para sa news coverage sa darating na selebrasyon ng Town Fiesta 2025.
Sa pulong na ginanap sa Municipal Tourism, Information, and Cultural Affairs Office (MTICAO) noong, February 25, 2025, tinalakay ni Public Information Officer Resty S. Odon sa ngalan ni MTICAO head, Dr. Rafael L. Saygo, ang ibaโt-ibang aktibidad na magaganap sa darating na Pistaโy Baley 2025 at kung paano ang mga ito dapat maiulat nang maayos.
Ang mga student-journalist ay pinangunahan ng kanilang school paper adviser na si Mr. Frank Brian S. Ferrer. (KB/RSO; JMB)