Nagsagawa ng massive spraying activity ang LGU, sa direktiba ni Mayor NiΓ±a Jose-Quiambao, bilang prayoridad na aksyon nito laban sa pananalasa ng harabas o armworm sa ilang taniman ng sibuyas.
Sa pakikipag-ugnayan ng Municipal Agriculture Office, ang Department of Agriculture-Regional Field Office I ay naglaan ng karagdagang 20 kahon ng Parker Neem para sa LGU upang gamitin sa massive spraying kontra harabas sa Barangay San Gabriel 2nd, Bayambang, noong February 7, 2025.
Isinagawa ang spraying activity sa pagtutulungan ng DA-RFO1 sa ilalim ng High-Value Crop Development Program nito, Office of the Provincial Agriculturist (OPAG), at Bureau of Plant Industry-Central Office, kasama ang LGU-MAO, Municipal Agriculture and Fisheries Council officers, at katuwang ang mga lokal na magsasaka.
Ang 20 boxes ng Parker Neem ay nagkasya sa 16 ektarya ng sakahan ng sibuyas.
Ang hakbang na ito ay isang malaking tulong sa mga local onion farmers upang agarang mapuksa ang umaatakeng armyworm sa naturang barangay. (MAO/RSO; MAO)
#TeamQuiambaoSabangan
#TotalQualityService
#NiΓ±aAroTaka