𝐄𝐧𝐞𝐫𝐠𝐲 𝐄𝐟𝐟𝐢𝐜𝐢𝐞𝐧𝐜𝐲 𝐚𝐧𝐝 𝐂𝐨𝐧𝐬𝐞𝐫𝐯𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐂𝐨𝐨𝐫𝐝𝐢𝐧𝐚𝐭𝐨𝐫𝐬, 𝐈𝐧𝐨𝐫𝐢𝐞𝐧𝐭 𝐮𝐤𝐨𝐥 𝐬𝐚 𝐊𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐓𝐮𝐧𝐠𝐤𝐮𝐥𝐢𝐧

Pinulong ni Engr. Rudyfer P. Macaranas, bilang Energy Efficiency and Conservation (EEC) Officer ng LGU, ang lahat ng mga EEC Coordinators mula sa iba’t ibang departamento, Inter-Agency EEC Committee members, at EEC Task Force members noong February 5, 2025, sa Balon Bayambang Events Center, upang talakayin ang mga sumusunod:

– pag-issue ng Special Order para sa mga EEC Coordinators,

– pag-issue ng Energy Efficiency and Conservation Policies,

– paglagay ng mga EEC signages sa lahat ng tanggapan,

– mga dapat gawin ng EEC Coordination Task Force members, at

– iba pang mga kaugnay na isyu.

Ang implementasyon ng gobyernong lokal sa naturang direktiba mula sa national government ay inaasahang mauuwi sa malaking katipiran sa pagkonsumo sa kuryente ng LGU. (RSO; JMB)

#TeamQuiambaoSabangan

#TotalQualityService

#NiñaAroTaka