Ang LGU-Bayambang ay mainit na bumabati sa Barangay Sancagulis sa pamumuno ni Punong Barangay Melencio M. Papio sampu ng lahat ng Brgy Sancagulis officials sa kanilang pagkakasungkit ng 2025 Seal of Good Local Governance for Barangays o SGLGB ng Department of the Interior and Local Government, ang pinakamataas na pagkilala na maaaring matamo ng isang barangay mula sa national government!
Ang pagtanggap ng seal na BSGLG ay isang kongkretong patunay ng dedikasyon ng naturang mga barangay officials sa mahusay na pamamahala, transparency, at epektibong paglilingkod sa kanilang komunidad.
Ito ay sa kadahilanang, gaya ng sa SGLG para sa mga siyudad at munisipalidad, kailangan ding maipasa ng isang barangay ang mga mahihigpit na pamantayan sa maayos at transparent na paggamit ng pondo, kahandaan sa sakuna at kalamidad, pagpapatupad ng mga programang sumusuporta sa mahihirap at iba pang sektor, pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, pagsuporta sa maliliit na negosyo at kabuhayan, at pangangalaga sa kalikasan.
Muli, isang taos-pusong pagbati sa Brgy. Sancagulis mula sa pamunuan ng LGU-Bayambang! (RSO; DILG FB page)