Noong September 25-28, 2024, ang 77 na Barangay Sangguniang Kabataan Chairpersons at representative’s ng Bayambang ay aktibong lumahok sa unang Youth Leadership Camp sa Pueblo del Amor Mountain Resort sa Lipa City, Batangas.
Ang event na ito ay inorganisa sa pangunguna ng Local Youth Development Office ng LGU Bayambang at SK Federation ng Bayambang sa ilalim ni SK Federation President Marianne Cheska Dulay, sa tulong ng Hero Strategies sa pangunguna ni Lormie Garay, upang mas mapatibay ang kanilang skills at maging mas epektibong lider ng kani-kanilang mga nasasakupang mga barangay. Kabilang sa mga leadership qualities na pinagtuunan ng pansin ng Heroes ang “honesty, credibility, intelligence, transparency, at commitment.”
Sa 4-day training camp, sina Joel Torres at Agnes Guarin ng Hero Strategies ang naging resource speakers. Matapos ang mga lectures, nagtagisan ng talino’t lakas ang mga SK chairpersons sa mga exciting group activities, at natuto ng iba’t ibang leadership skills ang mga dumalong lider ng kabataan.
Napuno din ng excitement ang event dahil sama-sama nilang nalibot ang buong amenities sa mga tasks at challenges. (Ray Hope O. Bancolita/RSO; SK)