Isinagawa noong Mayo 19–20, 2026 ang validation para sa ikatlong taon ng Search for Outstanding Barangay Nutrition Committee (BNC) sa Bayambang gamit ang MELLPI PRO tool ng National Nutrition Council.
Sa pangunguna ng Municipal Nutrition Committee (MNC), masusing sinuri ang mga barangay na nakabilang sa top 5 batay sa kanila ng vision at mission, mga naipatupad na polisiya at programa, pamamahala ng Local Nutrition Committee, nutrition services, at pagbuti ng nutritional status indicators sa kanilang komunidad.
Layunin ng programang ito na kilalanin ang mga barangay na aktibong nagsusulong ng maayos at epektibong mga programang pangnutrisyon para sa kanilang mamamayan.
Kabilang sa validation team ang mga kinatawan mula sa MNAO, RHU, MLGOO, MAO, at Office of Barangay Accounting na nagsagawa ng direktang pagtataya sa mga barangay.
Ang paggawad sa mga mananalo ay gaganapin sa darating na Nutrition Month Culminating Activity 2026 bilang bahagi ng patuloy na adhikain ng lokal na pamahalaan na mapabuti ang kalusugan at nutrisyon ng bawat pamilyang Bayambangeño.
(VMF/SMGC;MNAO)







