World AIDS Day, Muling Ginunita

Noong December 2, ang Municipal Health Office ay nagsagawa ng isang candle-lighting ceremony kasama ang mga estudyante ng PSU-Bayambang bilang paggunita sa World AIDS Day tuwing Disyembre.

Layunin nitong maitaas ang antas ng kamalayan ng komunidad at lalo na sa mga kabataan upang maproteksyunan laban sa sakit at stigma na dulot ng sakit na AIDS.

Sa taunang seremonya, naging resource speaker sina DOH Development Management Officer IV Joanne Villanueva, Municipal Health Officer Paz Vallo, at Rural Sanitation Inspector IV/HIV-Proficient Medical Technologist Nerisa Zafra. (JSH/RSO; MHO)