Women’s Sanitary Kits, Ipinamahagi ng MSWDO at Bb. Bayambang sa mga Kapwa Kababaihan

Isang libo na kababaihan ang nabigyan noong March 11, 2024, ng mga women’s sanitary kits sa mga public school, palengke, at sa bawat opisina ng LGU Bayambang bilang parte pa rin ng selebrasyon ng National Women’s Month.

Ang mga sanitary pouch na naglalaman ng napkin at feminine wash ay ipinamahagi ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pakikipagtulungan sa Binibining Bayambang. Nanguna sa distribusyon sina Josie Estrada, Rubymae Elmaguin, at mga Bb. Bayambang na sina Aliyah Macmod at Mae Grace Solomon.

Sa susunod na mga araw, marami pang pakulo ang LGU sa pagdiriwang ng Women’s Month sa taong 2024 upang bigyang pagpupugay ang mga kababaihan sa bayan ng Bayambang. (ni Vernaliza M. Ferrer/RSO; larawan ni: Ace Gloria, MSWDO)