Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Women’s Month 2024 na may temang, “Lipunang Patas sa Bagong Pilipinas,” nag-organisa ang Human Resource Management Office ng isang ‘Purple Zumba’ activity na tinaguriang ‘Sayaw para kay Juana.’
Ito ay ginanap sa harap ng Munisipyo noong March 8, 2024, sa tulong ng Bayambang Bureau of Fire Protection.
Sa bawat pag-indak at paghataw ng mga kawani, naipakita ng mga kalahok ang halaga ng malusog na pangangatawan sa pagbibigay ng tapat at mahusay na serbisyo sa bawat Bayambangueño.
Ang lahat ng sumali sa sayawan ay pawang mga kababaihan mula sa iba’t-ibang opisina sa LGU-Bayambang. (ni Vernaliza M. Ferrer/RSO; larawan: Ace Gloria)