Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Women’s Month 2026, nagsagawa ang Rural Health Unit (RHU) ng Bayambang ng isang masayang raffle activity na tinawag na “Wheel for Women” noong Marso 4, 2026 sa bahagi ng Wet Market ng pamilihang bayan.
Maraming kababaihang vendor, mamimili, at residente ang nakibahagi sa raffle game kung saan nagkaroon sila ng pagkakataong manalo ng iba’t ibang munting surpresang regalo mula sa RHU.
Kabilang sa mga ipinamigay na token ang sanitary napkins, 60 ml ethyl alcohol, 60-gram bath soap, pocket tissue (10’s), bulaklak tulad ng rosas at carnation, maliit na pulbo (60 grams), ponytail, at hair clip.
Ang aktibidad ay naghatid ng saya at pasasalamat sa mga kababaihan habang isinusulong din ang personal hygiene, kalusugan, at pagpapahalaga sa kanilang mahalagang papel sa komunidad. (RSO; RHU)











