Isang Wellness Day ang inilaan ng Persons with Disability Affairs Office para sa mga PWD President at Council members ng iba’t ibang barangay.
Ito ang nagsilbing culminating activity ng Disability Rights Week, kung saan nabigyan ng natatanging araw ang mga PWD, kung saan sila ay nakatanggap ng mga libreng serbisyo kabilang ang haircut, massage, at manicure at pedicure.
Ang aktibidad ay ginanap sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park ngayong araw, August 21, 2025. (JRA/RSO; JRA/PDAO)







