Upang higit na mapalakas ang kaalaman at kasanayan ng mga kawani ng lokal na pamahalaan sa wastong pamamahala ng pera at pagtatamo ng personal na tagumpay, isinagawa ang Financial Wellness and Personal Success Webinar na may temang “Managing Your Money: From Debt to Savings” noong Setyembre 17, sa Sangguniang Bayan Session Hall via Zoom video.
Sa pangunguna ng Business Permits and Licensing Office (BPLO) ng Bayambang katuwang ang Bankers Institute of the Philippines (BAIPHIL), ang aktibidad ay nagbigay ng mahahalagang kaalaman sa financial literacy, kung saan itinuro ang mahahalagang kasanayan sa paghawak at pagpapalago ng pera; at personal success na tumalakay sa mga pagpapahalagang kailangan upang makamit ang kalayaang pinansyal.
Layon ng programa na magbigay ng praktikal na kaalaman at inspirasyon para sa mas maayos na financial stability at personal growth ng mga kawani, bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta ng LGU-Bayambang sa kapakanan at propesyonal na pag-unlad ng mga empleyado nito. (RGDS/RSO; Dexter Cayabyab)









