Wallet na May P23,000 Cash, Ibinalik sa May-ari

Ngayong araw, April 22, alas 6:30 ng umaga, napulot ng mag-asawang John Cayabyab at Glaiza Cayabyab, residente ng Barangay Sapang, ang isang wallet na naglalaman ng P23,000 cash at iba’t ibang I.D. sa harap ng Bayambang National High School. Ang wallet ay napag-alamang pagmamay-ari ni Dante Lasquite, residente ng Brgy. Manambong Sur.

Hindi nag-atubiling isurrender sa Bayambang Public Safety Office (BPSO) ang napulot na wallet na agad namang tinanggap ni Traffic Enforcer Team Leader Marlon Mamaril.

Agaran ding nakuha ng may-ari ang naturang wallet sa tanggapan ni Ret. Col. Leonardo F. Solomon, BPSO Chief.

Lubos siyempre ang pasasalamat ng nagmamay-ari ng wallet sa mga nakapulot at sa BPSO. (text: BPSO/RSO; photos: BPSO)