Ang Provincial Veterinary Office (PVO) ay nagtungo sa bayan ng Bayambang noong April 30, 2024, sa Brgy. Zone 7 Covered Court para sa isang veterinary medical mission, kasama ang Municipal Agriculture Office.
Bukod sa free anti-rabies vaccination, nagbigay din sila ng iba pang libreng serbisyo gaya ng deworming, vitamin supplementation, consultation, castration, at spaying para sa mga alagang aso’t pusa.
Ang aktibidad na ito ay naglalayong mapaigting ang kaalaman ng lahat ukol sa rabies at mga kapahamakang dulot nito. Kabilang din sa layunin nito ang maimplementa ang RA 9480 o Rabies Act of 2007 upang sa gayon ay makamit ang hangaring maging rabies-free ang probinsya ng Pangasinan.
Sa kabuuan, ang veterinary mission na ito ay mayroong sumusunod na bilang ng naserbisyuhan, ayon sa ulat nina provincial veterinarian, Dr. Arcely Robeniol, at municipal veterinarian, Dr. Joselito Rosario:
Total Clients Served: 178
Castration: 58
Spaying: 33
Deworming: 123
Vitamin Supplementation: 126
Anti-Rabies Vaccination:
– Dogs: 195
– Cats: 61
– Total Animals Vaccinated: 256
(nina Daryl M. Mangaliag, Sharlene Joy G. Gonzales/RSO; larawan: JMB)