VAW Symposium Mga Kalalakihan, Tumitindig para sa Karapatan ng mga Kababaihan

Sa kaunaunahang pagkakataon ay tanging mga kalalakihan ang nakinig at nakilahok sa isang symposium tungkol sa Violence against Women (VAW) o Karahasan Laban sa mga Kababaihan. Ito ay isinagawa ng MSWDO sa tulong ng MNAO noong March 12 sa Events Center.

Ang mga mag-aaral na kalalakihan mula sa Bayambang National High School at Bayambang Polytechnic College ang naging mga aktibong kalahok sa symposium at nagpakita ng suporta upang maging bahagi ng solusyon sa isyu sa halip na maging dahilan ng karahasan laban sa kababaihan.

Nagsilbi namang lecturer sina Dr. Presley V. De Vera, GAD Coordinator at certified member ng National Gender & Development Resource Pool ng Philippine Commission of Women; Atty. Gle-cee M. Basco, OIC-Public Attorney’s Office, San Carlos City, Pangasinan; at Provincial Prosecutor Emmanuel E. Laforteza, OIC-Office of the Pangasinan Provincial Prosecutor.

Ilan sa mga tinalakay ang iba’t ibang paksa kabilang ang mga mahahalagang batas tulad ng RA 11313, RA 9262, at RA 8353.

Sa kanyang inspirasyunal na mensahe, hinikayat ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang lahat na “magtulungan para magkaroon ng gender equality sa ating lipunan lalo na sa ating bayan.”

“Please be kind, and respect all the women around you,” aniya.

Naghatid naman ng pangwakas na mensahe si Coun. Benjie de Vera.

Ang aktibidad ay ginanap ngayong araw, ika-12 ng Marso, 2024, sa Balon Bayambang Events Center. (ni Khim Ambrie L. Ballesteros/RSO; larawan: JMB)