Isang values formation activity ang muling inihatid ng HRMO para sa mga kawani ng LGU upang linangin ang kanilang mga pananaw at ugaling nakatuon sa integridad, disiplina, at malasakit sa kapwa.
Ito ay bilang bahagi ng patuloy na kampanya ni Mayor Niña Jose-Quiambao para sa pagpapalalim ng etikal na pamumuno at pagbibigay ng serbisyo publiko.
Naging panauhing tagapagsalita sina Mrs. Maria Maila C. Justo, Master Teacher III, at Ms. Angelus A. Ferrer, Teacher III, na pawang mula sa Bayambang National High School.
Tinalakay nila ang mga pangunahing pagpapahalaga gaya ng integridad, katapatan, pananagutan, at pagiging mabuting ehemplo sa loob ng institusyon at sa komunidad.
Ang aktibidad ay ginanap noong Hunyo 23, 2025 sa Balon Bayambang Events Center. (RGDS/RSO; JMB)