Validation of Potential Beneficiaries for the Social Pension Program, Isinagawa ng OSCA

Ngayong araw, July 29, 2026, nagsagawa ang Office of Senior Citizen Affairs ng isang aktibidad para sa Validation of Potential Beneficiaries for the Social Pension Program sa Pavilion I, Brgy. Bani.

May kabuuang 619 na potential beneficiaries ang sumailalim sa validation. Nagtulungan ang DSWD, MSWDO, OSCA, FSCAB, mga Pangulo ng Senior Citizens sa bawat barangay, at BPSO at Task Force Disiplina upang matiyak na maayos, organisado, at mabilis ang proseso ng validation ng bawat senior citizen.

Bago ang validation, nagbigay ng maikling oryentasyon sina Ms. Kimberly Basco, MSWD Officer, at Ms. Aira Shane Carcasona, DSWD Team Leader, upang ipaliwanag ang layunin ng validation at linawin na ang pagdalo rito ay hindi garantiya ng pagiging benepisyaryo ng Social Pension Program. Ipinaalala rin nila na ang listahan ng mga potential beneficiaries ay batay sa datos mula sa CBMS at PSA, na ibinaba sa DSWD para sa validation.

Muli, nais ipabatid ng OSCA sa lahat na ang pagdalo sa validation ay hindi nangangahulugang awtomatiko nang magiging benepisyaryo ang potential beneficiary ng Social Pension Program. Ang validation ay isa lamang sa mga mahalagang hakbang sa proseso ng beripikasyon.

Ang listahan ng mga potential beneficiaries ay batay sa datos mula sa Community-Based Monitoring System (CBMS) at Philippine Statistics Authority (PSA), na siyang ibinaba sa DSWD upang isailalim sa validation. Dahil dito, hindi ang LGU, MSWDO, OSCA, FSCAB, o ang mga Pangulo ng Senior Citizens sa bawat barangay ang pumili o bumuo ng listahan ng mga isinailalim sa validation.

Sa isinagawang validation, kinumpirma ng DSWD ang pagkakakilanlan, kalagayan, at iba pang kinakailangang impormasyon ng bawat potential beneficiary. Matapos nito, ang lahat ng nakalap na datos ay muling sasailalim sa kaukulang pagsusuri ng DSWD alinsunod sa umiiral na guidelines ng programa.

Dahil dito, hinihiling namin ang pang-unawa ng lahat na ang pinal na pagpili ng mga magiging benepisyaryo ay nakabatay sa resulta ng validation at sa mga pamantayang itinakda ng DSWD, at hindi sa rekomendasyon o pagpili ng LGU, MSWDO, OSCA, FSCAB, o ng mga Pangulo ng Senior Citizens sa bawat barangay.

Maraming salamat sa kooperasyon, suporta, at disiplina ng ating mga senior citizens, kanilang mga pamilya, at ng lahat ng naging katuwang sa matagumpay na pagsasagawa ng validation activity. Patuloy nating suportahan ang isang patas, maayos, at transparent na implementasyon ng Social Pension Program. (GM/OSCA; OSCA)