Ayon sa ulat ng Municipal Agriculture Office, nasa ika-12 session na ang Farmers Field School meeting ang experimentong Rice Varietal Derby. Dito ay tinalakay ang mga isinagawang Agro-Ecosystem Analysis o AESA kung saan inaral ang mga naging resulta ng biotic at abiotic factors sa iba’t-ibang seed varieties under investigation.
Nais malaman sa aktibidad kung alin-aling uri ng palay ang pinakamainam itanim sa mga bukirin sa Bayambang.