Unang Bugso ng Food Packs para sa ECCD Learners, Ipinamahagi

Sinimulan nang ipamahagi ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD) ang unang delivery ng mga food pack mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa 2,980 Early Chidhood Care Development (ECCD) learners, ngayong araw, February 6, 2024, sa Pavilion 1 ng Saint Vincent Ferrer Prayer Park.

Sa kabuuan, ang mga food pack ay nagkakahalaga ng P7.2M. Bawat food pack ay nakalaan para sa 120 days of feeding.

Matagumpay naman ang unang bahagi ng distribusyon ng mga food pack sa pangunguna ni MSWD Officer Kimberly Basco. Sa mga susunod na araw ay ipagpapatuloy ang pangalawa hanggang pang-apat na bugso ng naturang ayuda. (ni Sharlene Joy G. Gonzales /RSO; larawan: JMB)