Unang Batch ng Work Immersion Students mula Tanolong NHS, Inorient

Sumailalim sa orientation ang unang batch ng work immersion students mula Tanolong NHS, sa pamumuno ng Public Employment Services Office.

Ito ay isinagawa sa Balon Bayambang Events Center noong November 20, 2203, bago sila magsimula sa kanilang unang araw sa Lokal na Pamahalaan ng Bayambang.

Naroon si Mayor Niña Jose-Quiambao, VM IC Sabangan, at Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, upang sila ay iwelcome sa LGU-Bayambang.

Ang mga naturang TNHS students ay nakatakdang magtrabaho ng 10 sa araw sa iba’t ibang opisina upang matuto ng mga working skills sa isang real-world setting.