Noong August 28, 2023, maayos na nakapagfile ng kanya-kanyang kandidatura ang mga tatakbo sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, sa pag-oorganisa ng Commission on Elections sa Balon Bayambang Events Center.
Ang isang malinis at mapayapang halalan ay inaasahan para sa naturang eleksyon ngayong taon, salamat sa pakikipagtulungan ng iba’t-ibang ahensya sa COMELEC, sa ilalim ni Election Officer Gina Aquino, kabilang na ang DILG, PNP, BFP, at mga departamento ng LGU-Bayambang.