Ukay for a Cause, Nagsimula Na

Nagsimula na ang “Ukay for a Cause” ng LGU-Bayambang sa Balon Bayambang Events Center noong Agosto 29, 2024, sa pag-oorganisa ng Administrator’s Office.

Layunin ng aktibidad na ito na makalikom ng pondo para sa mga programa ng pamahalaan na naglalayong mabawasan ang kahirapan sa bayan.

Ang lahat ng kita mula rito ay gagamitin upang matulungan ang mga pamilyang Bayambangueño na nangangailangan ng maayos na tirahan.

Bukod sa pisikal na selling sa Events Center, nagsasagawa rin ng live selling ang LGU sa Balon Bayambang Facebook page.

Kabilang sa naging mga live sellers sina Mayor Niña Jose-Quiambao at former mayor, Dr. Cezar T. Quiambao, na nagtinda ng kanilang sariling mga unused at slightly used items gaya ng mga damit at bag.  (APV/RSO; MLBI)