Ang proyektong ‘Ukay for a Cause’ ni Mayor Niña ay may bago na namang benepisyaryo.
Sila ay ang pamilya Mapacpac ng Brgy. Darawey, na siyang napiling tumanggap ng isang brand new na bahay kubo matapos mapag-alamang wala silang maayos na tirahan.
Ang LGU ay nagpapasalamat sa lahat ng nagdonate ng kanilang mga kagamitan upang makabili ng kubong nagkakahalaga ng P45,000 bilang tulong sa pamilya. (RSO; MLBI)