TWG, Nagpulong para sa BSGLG Compliance

Nagkaroon ng isang orientation activity ang isang Technical Working Group na binuo para sa Seal of Good Local Governance for Barangays (BSGLG), sa pangunguna ni MLGOO Editha Soriano, ngayong araw, ika-3 ng Hunyo, 2024, sa Mayor’s Conference Room.

Ipinaliwanag ni MLGOO Soriano sa grupo ang mga kakailanganing dokumentasyon mula sa mga barangay para makapasa sa BSGLG.

Naroon sina Vice Mayor Ian Camille Sabangan, DPA; Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad bilang kinatawan ni Mayor Niña; MTICAO head, Dr. Rafael Saygo; at ang mga concerned department at unit head upang talakayin kung papaano maging mas compliant ang lahat ng 77 barangays sa documentary requirements pagdating ng assessment team mula sa DILG. (ni Khim Ambrie L. Ballesteros/RSO; larawan: Ace Gloria)