TWG, Nagbrainstorming para sa Nutrition Month 2025 Line-up of Activities

Sa ginanap na unang pagpupulong ng Municipal Nutrition Committee Technical Working Group (TWG) para sa darating na selebrasyon ng Nutrition Month ngayong araw, May 13, 2025, sa Mayor’s Conference Room, kumalap ang mga miyembro ng iba’t ibang posibleng aktibidad na magpapalaganap ng kamalayan at pagkilos tungo sa seguridad sa pagkain at nutrisyon, na naayon sa tema ngayong taon na “Food and Nutrition Security Maging Priority! Sapat na Pagkain, Karapatan Natin!”

Sa pamamagitan ng pagtutok sa food at nutrition security, hangad ng Nutrition TWG na makamit ang isang malusog at produktibong pamayanan, kung saan naitataguyod ang karapatan ng bawat isa sa sapat na pagkain.

Kapag ang mga suhestiyon ay naaprubahan, inaasahang maisasakatuparan ang mga ito tungo sa isang matagumpay na Nutrition Month 2025. (Geralyn Pagsolingan/VMF/RSO; larawan ni: JMB)