TWG, Binuo upang Aralin ang Risk at Epekto ng Middle East Conflict sa Bayan ng Bayambang

Sa utos ni Mayor Niña Jose-Quiambao, isang Technical Working Group (TWG) ang binuo upang pag-usapan ang mga panganib at impact ng kasalukuyang digmaan sa Middle East sa pagitan ng US-Israel at Iran.

Kaagad pinulong ng alkalde ang grupo na binubuo ng piling mga department at unit head kahapon, Marso 23, 2026, sa Mayor’s Conference Room.

Dito ay nagpalitan ng ideya at kuru-kuro ang mga pinuno ukol sa mga posibleng mangyari at mga posibleng intervention or solusyon sa mga ito na makakayanan sa lebel ng LGU, mga barangay, at sambahayan.

Muling magpupulong ang grupo sa lalong madaling panahon upang balangkasin at iconsolidate ang lahat ng mga napag-usapang plano at gawan ng paunang aksyon ang mga kailangang ilatag sa puntong ito. (RSO; John Andrew Bacani)