Inilunsad ngayong araw, May 16, 2024, ng Municipal Nutrition Action Office ang Tutok Kainan Program ng National Nutrition Council sa pamamagitan ng isang Program Orientation.
Sila ay nagtungo sa Brgy. Sanlibo Covered Court upang ipakilala at talakayin ang tungkol sa programa na naglalayong tutukan ang nutrisyon ng mga buntis na tinuturing na nasa at-risk group ayon sa assessment ng MNAO team.
May 60 na buntis mula sa iba’t ibang barangay ang nakilahok, at nagsilbing lecturer sina Christy Bautista at Zoraida Padtoc ng NNC Region I.
Naroon si MNAO Venus Bueno at Sanlibo PB Luzviminda Tamondong upang batiin ang mga participants.