“Tutok Kainan,” Nakatakdang Tumulong sa At-Risk Pregnant Women

Dumating ngayong araw, April 26, 2024, sina National Nutrition Council Region 1 Office Program Coordinator Christy Bautista at Zoraida Padtoc sa Mayor’s Conference Room upang talakayin ang programang “Tutok Kainan: Dietary Supplementation Program for Pregnant Women 2024” ng ahensya.

Ayon sa MNAO, ito ay isang grant mula sa NNC na may target implementation date na June-August 2024. Sa ilalim ng programa, may 60 na indigent, nutritionally at risk pregnant women ang mabibiyayaan ng dry at wet feeding sa loob ng 90 na araw.

Kasama sa pulong si MNAO Venus M. Bueno bilang municipal coordinator at si SB Committee Chairman on Health, Councilor Levinson Nessus Uy, mula sa hanay ng Municipal Nutrition Council, kasama ang staff ng Nutrition. (RSO/MNAO)