Isinagawa noong Marso 6, 2026 sa Balon Bayambang Events Center ang profiling para sa mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nakatuon sa mga magulang ng child laborers at mga kabilang sa persons with disability (PWD) sector.
Pinondohan ng DOLE ang aktibidad at pinangunahan ng mga kawani ng DOLE CPFO ang profiling sa tulong ng mga staff ng Public Employment Service Office (PESO)-Bayambang at ilang OJT trainees.
Ayon sa mga tagapag-ayos, ang listahan ng mga magulang ng child laborers ay batay sa survey na isinagawa ng DOLE kasama ang PESO staff, habang ang listahan ng PWD beneficiaries ay kinuha mula sa PWD Affairs Office records. (RSO; PESO)









