Tree-Cutting at Clearing Operations, Isinagawa matapos Manalanta ang Isang Ipo-Ipo

Kaagad na nag-inspeksyon ang MDRRMO sa mga lugar na nasalanta ng malakas na hangin kasabay ng malakas na ulan kahapon, Setyembre 13, 2025, kasama ang mga miyembro ng barangay DRRM Committee.

Limang insidente ng pagbagsak ng malalaking punongkahoy ang inisyal na naiulat sa Purok 7, Brgy. Managos; sa gilid ng daan sa may Brgy. San Gabriel 1st; Purok 3, Brgy. Amancosiling Norte; tabing-ilog ng Amancosiling Norte; at Purok 1, Brgy. Amancosiling Sur.

Isang bahay ang nakitaan ng nasirang bubong sa Amancosiling Sur.

Matapos ang rapid damage assessment ay kaagad namang nagsagawa ang MDRRMO ng tree-cutting at clearing operation sa mga nasabing lugar maliban sa may pagbagsak sa isang linya ng kuryente.

Aktibong tumulong ang mga BDRRMC ng mga naturang barangay.

Wala namang naiulat na casualty sa lahat ng nasabing insidente. (RSO; MDRRMO)