Transition Meeting at Local Governance Transition Turnover Ceremony, Isinagawa para Masiguro ang Tuluy-Tuloy na Serbisyo para sa Bawat Bayambangueño

Isang local governance transition meeting ang isinagawa ng transition team noong Hunyo 10, at isang turnover ceremony naman ang isinagawa sa pagitan ng outgoing at incoming officials noong Hunyo 24, upang masiguro ang maayos at tuluy-tuloy na paghahatid ng serbisyo publiko matapos ang ginanap na halalan.

Sa pag-upo ng mga bagong grupo ng mga nahalal na opisyal ng bayan, tiniyak na organisado at transparent ang kanilang dadatnan na lokal na pamahalaan.

Tinalakay sa pagpupulong ang kalagayan ng mga dokumento, record, at pasilidad na kailangang i-turnover,  iskedyul at paghahanda para sa pormal na turnover ng mga tungkulin, pagpaplano para sa Inauguration Ceremony ng mga bagong halal na opisyal, at iba pang mahahalagang usapin kaugnay ng transition process.

Isinagawa ang transition meeting at Bayambang Local Governance Transition Turnover Ceremony sa Municipal Conference Room.

Pinasimulan ang seremonya ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, kung saan binigyang-diin ang layunin para matiyak ang maayos na paglipat ng mga dokumento, kagamitan, at responsibilidad sa mga susunod na lider.

Sinundan naman ito ng pagbabahagi ni MLGOO Editha C. Soriano ng overview ng aktibidad, na ayon sa kanya ay alinsunod sa panuntunan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) upang mapanatili ang prinsipyo ng good governance at continuity of service sa bawat LGU.

Sa pormal na turnover ceremony, isinagawa ang pagsusumite ng mga dokumento, record, at iba pang mahahalagang bagay kaugnay ng pamahalaang lokal.

Sa mensahe ni re-electionist Mayor Niña Jose-Quiambao, na nirepresenta ni Vice-Mayor Ian Camille Sabangan, muli niyang ipinahayag ang kanyang paninindigan sa pagbibigay ng “total quality service” para sa lahat.

Kasunod nito, isinagawa rin ang Commitment Pledge at ang Panunumpa ng mga Lingkod Bayan bilang simbolo ng kanilang taos-pusong dedikasyon sa paglilingkod sa publiko. (KB/RSO; JMB)

#TotalQualityService

#NiñaAroTaka