Binati ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang lahat ng kalahok sa tatlong araw na workshop sa “Deaf Awareness at Filipino Sign Language” na kinabibilangan ng mga daycare workers, mga miyembro ng local deaf community, LGU employees mula sa iba’t ibang departmento, at Bayambang Polytechnic College teachers.
Ang workshop ay inumpisahan noong January 24, 2024 sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park., sa pag-oorganisa ng MSWDO Persons with Disability Affairs Office at Bayambang National High School Inclusive Education Program, bilang parte pa rin ng paggunita ng National Disability Rights Week.
Nagsilbing resource speaker ang Filipino Sign Language Interpreter na si Dr. Eden B. Valdez. Kabilang naman sa mga deaf validators/facilitators sina Kenji Delfin, Jade Baniago, at Nicole Alvarez ng Urdaneta City NHS-SHS.
Naging facilitator din ang Bb. Bayambang sa pangunguna ni Bb. Bayambang 2024, Ms. Reign Joy Lim, bilang isang deaf rights at inclusive education advocate.
Naroon siyempre ang mga organizer ng training na sina LGU Persons with Disability Affairs Officer I Johnson P. Abalos, MSWDO Focal Person on PWD Program Alta Grace Evangelista, at BNHS School SPED Coordinator, Mr. Rafael P. Carungay, kasama sina MSWD Officer Kimberly P. Basco, MSWDO Focal Person on Child Development Marvin P. Bautista, at Child Development Workers Federation President Estherly Friaz.
Sa aktibidad na ito na isinagawa sa unang pagkakataon ng LGU, mate-train ang mga nasabing kalahok sa pagtuturo at pakikipag-usap sa mga may kapansanan sa pandinig at matulungan silang mabuhay ng marangal at produktibo sa kani-kanilang komunidad. (RSO; JMB)