Training sa Dressmaking NC II, Sinimulan!

Noong Lunes, Setyembre 16, 2024, pormal na sinimulan ang 15-day Community-Based Skills Training on Dressmaking NC II sa Pavilion I, St. Vincent Ferrer Prayer Park.

Ito ay may tatlumpong participants mula sa OFW sector mula sa iba’t ibang barangay.

Ang nasabing aktibidad ay inorganisa ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng PESO-Bayambang at TESDA.

Ito ay dinaluhan nina Vocational School Superintendent, Dr. Rosa Untalan; Training Instruction Supervisor Gerry Amansec; at trainer na si Jocelyn Sison, na pawang mula sa TESDA Pangasinan School of Arts and Trade, Lingayen. (PESO/RSO; PESO)