Training on Financial Report Preparation at Basic Bookkeeping, Isinagawa para sa 4Ps Livelihood Projects

Naniniwala ang lokal na pamahalaan na isang daan sa pagpapatibay ng mga Sustainable Livelihood Program (SLP) sa bayan ng Bayambang ay ang pagbibigay-kaalaman sa mga miyembro upang mahasa ang kanilang kakayanan sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo.

Kaya naman nag-organisa ng isang Training on Financial Report Preparation at Basic Bookkeeping noong ika-15 ng Agosto, sa Events Center ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa tulong ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at Bayambang Poverty Reduction Action Team (BPRAT).

Tinalakay ng tagapagsalita na si OIC Municipal Accountant Flexner M. de Vera ang ilang procedure ukol sa bookkeeping. Ipinaliwanag naman ni BPRAT Chairperson, Dr. Rafael L. Saygo, ang CONE Approach na isang hakbang kung paano gawing matagumpay ang naturang livelihood program.

Ang training ay pinangunahan nina DSWD-RO I Implementing Project Development Officer (PDO) Gemalyn Labajeros at DSWD-RO1 PDO II Johndel G. dela Cruz, kasama sina John G. Perez at Valentin A. Retuya na pawang MSWDO SLP Focal Persons.