Training ng PSA ukol sa PSIC, Dinaluhan ng mga Department Head

Isang pagsasanay na may titulong “City/Municipality Training, Coordination and Field Visit of PSA to Local Government Units for the Adoption of the Philippine Standard Industrial Classification (PSIC)” ang ginanap sa Mayor’s Conference Room ngayong araw, April 24, 2024. Ito ay pinangunahan ni Statistical Specialist II Joseph M. Severo ng PSA-Pangasinan at dinaluhan naman ng mga department at unit head ng LGU-Bayambang.

Layunin ng training na ito na magkaroon ng standard na pamamaraan ng pagkolekta at pagproseso ng mga datos mula sa iba’t ibang industriya at masigurong maabot ang uniformity at comparability ng mga datos na ito na siyang magagamit sa lokal, rehiyunal at nasyunal na lebel.

Naroon din sa naturang training si Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, bilang kinatawan ni Municipal Mayor Niña Jose-Quiambao. (nina Angelica C. Arquinez, DMM/Sheina Gravidez; larawan ni Ace Gloria)