Muling napalawak ang kaalaman ng mga concerned sector tungkol sa tamang asal sa pampublikong lugar, kaligtasan sa kalsada, at wastong pagpapatupad ng mga batas-trapiko para sa kapakanan ng publiko.
Ito ay matapos magsagawa ang Bayambang Public Safety Office ng seminar hinggil sa road safety at Safe Spaces Act ngayong araw, Mayo 22, 2026, para sa mga TODA officer, BPSO traffic enforcer, at mga empleyado mula sa iba’t ibang departamento ng Munisipyo.
Tinalakay ni PMSG. Crisalyn de Villa ang tungkol sa Safe Spaces Act o R.A. 11313 na kilala rin bilang “Bawal Bastos Law,” habang ibinahagi naman ni Mr. Benson Resuello ng LTO-Bayambang ang mahahalagang kaalaman ukol sa road safety at R.A. 4136 o ang Land Transportation and Traffic Code of the Philippines.
Sa inspirasyunal na mensahe ni Atty. Rodelynn Rajini Sagarino Vidad, Municipal Administrator at BPSO OIC, pambukas na mensahe ni 1Lt. Amory Junio, TFD Deputy/BPSO Chief Operation, kapwa binigyang halaga nila ang layunin ng pagpapaigting sa pagsasanay sa naturang mga paksa upang maiwasan ang aberya at maisulong ang kaayusan at tuluy-tuloy na daloy ng lahat ng mga kalsada sa bayan at iba pang pampublikong lugar. (RSO; photos: BPSO)







