TODA Members, Pinulong ukol sa Disiplina Zone

Ang mga miyembro ng TODA o Tricycle Operators and Drivers Association ay pinulong ng LGU noong July 18, 2025 sa mismong Tricyle Central Terminal upang pag-usapan ang implementasyon ng Disiplina Zone, and pagkakaroon ng temporary TODA Terminal sa lumang Bayambang Central School, ang pagkakaroon ng TODA uniform, at iba pang kaugnay na issues at concerns.

Ang pulong ay dinaluhan nina Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad; Task Force Disiplina Deputy, former Councilor Amory Junio; Sangguniang Bayan Committee Chair on Transportation and Communication,  Councilor Zerex T. Terrado; BPSO Chief, Ret. Col. Leonardo Solomon; PNP OIC PLtCol. Rommel Bagsic; Municipal Engineer Bernadette Mangande; MPDC OIC Ma-Lene Torio; SEE OIC, Atty. Justine Alvarez; at Municipal Treasurer Luisita B. Danan. (RSO; Zeejie Torres/MPDO)