TODA Members, Binigyan ng Uniporme na Pang-isang Linggo!

Ang mga miyembro ng TODA ay binigyan ng uniporme ng LGU gamit ang donasyon nina Mayor Niña Jose-Quiambao, SATOM, Dr. Cezar T. Quiambao, BM Raul Sabangan, at Konsehal Zerex Terrado.

Layunin nito na makaiwas sa mga colorum na traysikel ang mga komyuter at gawing disente ang bihis ng lahat ng mga lehitimong tricycle driver sa Bayambang.

Tinanggap ng mahigit na 2,000 trike driver ang may kabuuang 4,500 set ng uniporme sa presensiya ni Task Force Disiplina Deputy Officer at dating Councilor Amory M. Junio. (RSO; WMC)