Nagdaos ng pulong ang mga opisyal ng TODA Federation sa loob ng Bayambang Terminal Tricycle kasama ang Bayambang Public Safety Office (BPSO) at Task Force Disiplina (TFD) upang talakayin ang pagpapanatili ng kaayusan, kalinisan, at mahigpit na pagpapatupad ng mga napagkasunduang alituntunin sa terminal.
Napag-usapan din sa pagpupulong ang iba’t ibang isyu at mga suliraning kinakaharap ng mga tricycle operator at driver upang makabuo ng mga angkop na hakbang para sa mas maayos, ligtas, at disiplinadong operasyon ng terminal. (RSO; BPSO)


