Tobacco Production Training, Isinagawa

Upang higit pang mapaunlad ang kaalaman ng mga lokal na magsasaka sa tamang pagtatanim at produksyon ng tabako, isinagawa ng Municipal Agriculture Office (MAO), sa pangunguna ni Municipal Administrator Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, ang Tobacco Production Training nitong Oktubre 15, sa Agriculture Conference Room, Legislative Building.

‎Sa kanyang inspirasyonal na mensahe, binigyang kahalagahan ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang pagtutok sa mga programang pang-agrikultura na makatutulong sa kabuhayan ng mga magsasakang Bayambangueño.

‎Ayon sa kanya, patuloy na magsisilbi ang administrasyon bilang katuwang ng mga magsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay ng oportunidad at pagsasanay na magpapalakas ng kanilang kakayahan sa produksyon at entrepreneurship.

‎Sa nasabing pagsasanay, naging resource speakers sina Mr. Israel C. Ramos, Agriculturist II, na tinalakay ang tamang proseso ng tobacco production, at Ms. Myrna P. Galaraga, Senior TPRO ng National Tobacco Administration (NTA), na ibinahagi ang institutional projects at mga regulatory function ng ahensya.

Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kalidad at produktibidad ng industriya ng tabako sa bayan ng Bayambang, kasabay ng pagpapaigting sa agrikulturang nagsusustento sa kabuhayan ng mga mamamayan. (RGDS/RSO; MLO, JMB)