The First 100 Days Report:
“Walang Iwanan sa Mapag-Arugang Pamahahala”
Sa unang isandaang araw ni Mayor Niña Jose-Quiambao bilang Punong Bayan, kanyang iniulat ang mga nagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Bayambang sa ilalim ng administrasyong Quiambao-Sabangan mula ika-30 ng Hunyo hanggang ika-12 ng Oktubre, 2022 sa kanyang First 100 Days Report: “Walang Iwanan sa Mapag-arugang Pamamahala.”
Ibinahagi ni Mayor Quiambao ang kanyang mga naging karanasan at mga natutunan bilang ina ng bayan, at siniguro niya sa mga Bayambangueño na lahat ng ginagawa ng kasalukuyang administrasyon ay para sa ikabubuti ng bayan.
“Change does not happen overnight, and change cannot happen if we are not united in our goal of creating a better world for our children,” paalala ng alkalde.
Ulat pa niya, “We spearheaded programs that promote inclusive governance and individual responsibility in caring for our municipality – programs that are very close to my heart, including the Bali-Bali’n Bayambang, Teenage Pregnancy Summit, Mental Health Summit, re-opening of the Abong na Aro, Values Formation Seminar for LGU employees, tax education campaigns, and much, much more. We did this with the help of everyone in the munisipyo and with every Bayambangueño who, like me, hopes to create a better municipality.”
Nagpasalamat naman ang Punong Bayan sa lahat ng mga naging aktibong parte ng pagbabago at progreso. Muli rin niyang hinikayat ang bawat Bayambangueño na makiisa sa adhikain ng administrasyong Quiambao-Sabangan upang mapagwagian ang Rebolusyon Laban sa Kahirapan.
Ang programa sa Balon Bayambang Events Center noong October 12 ay dinaluhan ni Vice-Mayor Ian Camille Sabangan, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, former Mayor, Dr. Cezar T. Quiambao, former Vice Mayor Raul R. Sabangan, mga department at unit heads sa pangunguna ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, mga estudyante, at mga representante ng iba’t ibang paaralan at organisasyon na kaisa ng administrasyong Quiambao-Sabangan sa pagpapalaganap ng mabuting pagbabago para sa bayan ng Bayambang.