TFD, Namahagi ng TODA ID sa Trike Drivers

Bilang prayoridad ng lokal na pamahalaan na siguraduhin ang kaayusan at kaligtasan ng sektor ng tricycle transportasyon, namahagi ang Task Force Disiplina (TFD) ng opisyal na pagkakakilanlan sa mga driver ngayong araw, February 19, 2026, sa Municipal Agriculture Conference Room.

May sa 2,000 na miyembro ng ibat ibang Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA) sa Bayambang ang binigyan ng naturang ID bilang isang instrumento para palakasin ang disiplina sa hanay ng mga trike drivers.

Pinangunahan ni TFD Deputy Officer, Lt. Amory Junio, ang aktibidad sa ngalan ni Mayor Niña Jose Quiambao at TFD Chairman at SATOM, Dr. Cezar T. Quiambao.

Sa isinagawang pagpupulong bago ang pamamahagi ng mga ID, tinalakay ang mga mahahalagang patakaran at alituntunin na dapat sundin ng mga miyembro ng TODA.

Binigyang-diin ni Lt. Junio na ang pagkakaroon ng opisyal na pagkakakilanlan ay mahalaga para sa epektibong monitoring ng mga driver at para matiyak na ang lahat ay sumusunod sa mga batas at regulasyon na nakalaan para sa kaligtasan ng mga pasahero at ng publiko.

Sa pamamagitan ng ID na ito, tinitiyak ng TFD na napoprotektahan pati na ang kaligtasan ng bawat pasahero sa tuwing sila ay sumasakay o bumibiyahe. (Arianne Angel A. Villanueva/VMF/RSO; JLT)