Sa pulong ng Task Force Disiplina (TFD) nitong January 26, 2026, sa Mayor’s Conference Room, tinalakay ang traffic management, kabilang ang mga update sa volume traffic count survey, dagdag na TFD manpower, at ang panukalang bagong top at vest na uniporme para sa mas episyenteng pagpapatupad ng tungkulin ng mga traffic enforcer.
Inilahad din ang mga counter-measure kaugnay sa ulat ng mabahong amoy sa Quezon Boulevard, gayundin ang mga update sa sitwasyon ng mga vendor ng talipapa sa Brgy. Nalsian Sur.
Kaugnay nito, napagkasunduan ang pagdaraos ng dayalogo sa mga vendor upang talakayin ang sanitation permits at operasyon ng bawat puwesto.
Kasama rin sa agenda ang pag-check at pag-install ng 10 unit ng solar street lights sa Brgy. Bani bilang bahagi ng pagpapabuti ng visibility at seguridad sa lugar.
Ang pulong ay pinangunahan ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, sa pamamagitan ng kanyang kinatawan na si Administrative Officer Valentine G. dela Cruz, kasama sina BPSO Head, Col. Leonardo Solomon, TFD Deputy Officer, Lt. Amory Junio, Municipal Engineer, Engr. Bernadette Mangande, MENRO Ma-lene S. Torio, OIC-SEE, Atty. Justine Alvarez, LYD Officer Ray Hope Bancolita, at mga kinatawan mula sa PNP, BPLO, at Treasury Office. (RGDS/RSO; JMB)




