TFD, BPSO, Patuloy sa ‘Operation Sita’

Patuloy ang Task Force Disiplina (TFD) at Bayambang Public Safety Office (BPSO) sa kanilang araw-araw na implementasyon ng Operation Sita laban sa mga colorum na traysikel sa iba’t ibang bahagi ng bayan.

Layunin ng operasyon na matiyak na ang mga pampasaherong traysikel ay may kaukulang prangkisa at sumusunod sa umiiral na mga ordinansa at regulasyon sa transportasyon. Bahagi rin ito ng patuloy na pagsisikap ng LGU Bayambang na mapanatili ang kaayusan, kaligtasan, at patas na pagpapatupad ng batas para sa kapakanan ng mga motorista, operator, at mga commuter.